SEAG marathon queen Tabal dedepensa ng gold

Pinagbuti pa ni Olympian Mary Joy Tabal ang kanyang paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games sa tulong ng tatlong coaches na ngayon ay nasa huling bahagi na ng kanyang training. Bukod sa kanyang personal coach na si John Duenas, tinutulungan din ang Cebuana Olympian ng dalawang Japanese coaches na sina Yuhei Sato at Akio Usami, na inaasahang gagabay sa reigning SEA Games medalist na mapanatili ang korona bilang marathon queen ng biennial meet.
Tila nahahasa na ngayon si Tabal. Si Sato ang pinuno ng women’s long distance team sa Nippon Sports Science University, nang mag-training sa kanya si Tabal noong Set. 4, habang si Usami ay isang marathon veteran noong 1968, 1972 at 1976 Summer Olympics. Si Tabal, ang sumungkit ng unang gold medal noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur na tinapos niya sa oras na 2:48:26 at umaasang iibayo pa ang tempo running training niya hanggang sa unang Linggo ng Nobyembre sa tulong na rin ng kanyang endurance training.
Sa nakaraang 2 taon, 7 minuto na nauuna si Tabal sa eventual silver medalist na si Hoang Thi Thanh ng Vietnam. Una rin siya ng 10 minuto kay Natthaya Thanaronnawat, ang 2015 gold winner ng Thailand. Nag-training din si Tabal sa NSSU noong 2016 noong paghandaan niya ang Rio de Janeiro Olympics.





Comments