Rapper, kulong sa shabu

Arestado ang dating fliptop rapper sa anti-drug operation sa Pasay City.
Kinilala ni P/Capt. Deni Mari Pedrozo ang suspek na si Andy Jamolin o ‘Andy G’ at isang Joseph alyas Oseng.
Nahuli ang dalawa noong Oktubre 15, sa maliit na bahay sa Bgy. 156, Zone 16, ng mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Pedrozo.
Nakuhanan si Jamolin ng sachet ng shabu habang dalawang sachets naman ang narekober kay ‘Oseng’ .
Ayon kay Capt. Pedrozo, isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap nila bago ikinasa ang operasyon hinggil sa bilihan umano ng ilegal na droga sa nasabing lugar.





Comments