top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Ninja cops at pork barrel, parehong modus-operandi sa bulok na gobyerno

Ka Ambo
Oct 18, 2019
1 min read

Apat agad ang namatay sa paunang ulat kaugnay sa lindol sa Mindanao.

Nanangkupooo!

◘◘◘

NAAKSIDENTE si P-Digong habang nagmo-motor sa Malacañang.

Walang sinabi kung may “angkas” siya!

◘◘◘

AMINADO ang Malacañang na hindi nasugpo ang “Ninja Cops”.

Paano pa ‘yung sindikatong wala sa loob ng gobyerno?

◘◘◘

ANG kontrobersiyal na “Ninja Cops” ay modus-operandi.

Hindi ito “personalidad” na puwedeng ipakulong!

◘◘◘

HINDI nagkakalayo ang “Ninja Cops” at “pork barrel”.

Hindi personalidad ang “pork barrel”, ito ay modus-operandi na nag-o-operate nang “legal” sa loob ng bulok na pamahalaan!

◘◘◘

KORUPSIYON ang ugat o “mastermind” ng “Ninja Cops” at “pork barrel”.

Maaaring ihanay na rin dito ang “heavy traffic”.

Ang pagiging “ganid” ng tao at “kawalanghiyaan” ng law enforcements ang tunay na ugat ng krisis sa lipunan!

◘◘◘

HINDI kailanman, mareresolba ang “Ninja Cops”, “pork barrel” at heavy traffic.

Nakapasok na ‘yan sa kultura ng mga Pinoy — kinukunsinti ng Konstitusyon ang modus-operandi na sumisira sa moralidad ng mamamayan!

◘◘◘

DAPAT baguhin ang Konstitusyon gamit ang “Constitutional Convention”.

Dapat elected ang constitutional framers!

◘◘◘

KAPAG itinalaga ang miyembro ng “ConCon”, korup ang mailalagay dito tulad sa ConAss.

Mga buwaya sa Kongreso at masiba sa “pork barrel” ang gagawa ng Saligang-Batas.

Magkakaletse-letse ang Republika ng saging na saba!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page