Barrett Browning at Alupay star sa WTA

May kahirapan ang karera ngayong gabi dahil pito ang bibitiwan sa Condition Race at 2-Year Old Maiden Race sa Metro Manila Turf Club, Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa mga kalahok dalawa ang napipisil ko na may panalo sa grupong kinabibilangan sa pagtahak ng Condition Race 16 at 20. Kasabay nito magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet at Pentafecta. Unang bibitiwan ang Race 1 kung saan mag-uumpisa ang WTA, napagpipilian ang mga kalahok na Boy Paradise, ang couple entry na Kusing at Chinito, Miss Thrifty at Sir Rik. Sa Race 2 sa pagsisimula ng Pick 6 nakalalamang ang couple entry na King Polonius at High Rank at magsisilbing banta ang Gee’s Queen, Boundary at couple entry na AllbyMySelf at Dangerous Willie.
Nakalalamang ang Barrett Browning sa mga kalaban na Tulos Express at Tubig at Langis sa Race 3 na simula ng Pick 5. Sa Race 4, ang Pick 4, lamang ang Couple Entry na Oh Lala at Panamalayan habang may panalo ang Alupay Star at Rafa sa simula ng Pick 4 sa Condition Race 20.
Ipinapatok ang Kampilan at magsisilbing kalaban ang Couple Entry na Heirloom at Kiwi Rose sa 2 Year Old Maiden Race sa Race 5. Nakalalamang ang Light and Shade at makakalaban ang Taranasakalyos at isama ang Rosario Princess sa Race 6. Nakalalamang ang Hold On habang binibigyan ng laban ang Viva Forever isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Marahuyo, Jarred Skywalker at True Religion sa Race 7. Tips ni Mang Ding:
Race 1- Entry no. 4 Miss Thrifty (3) Race 2- Entry no.1 Gee’s Queen (3) Race 3- Barrett Browning (2) Tulos Express (4) Race 4- Entry no.1 Alupay Star (2) Race 5- Kampilan (2) Entry no.4 Race 6-Light and Shade (3) Taranasakalyos (4) Race 7-Hold On (1) Viva Forever (4) WTA(1-7)4-3/1/2/1-2/2/3-4/1-4/ Pick 6(2-7)1/2/1-2/2/3-4/1-4/ Pick 5(3-7) 2/1-2/2/3-4/1-4/ Pick 4(4-7) 1-2/2/3-4/1-4





Comments