top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sudden-death finals, abangan sa Superliga

  • MC
  • Oct 17, 2019
  • 2 min read

Dalawa sa pinakamalakas na team sa bansa ang Petron at F2 Logistics ang lalarga para buhayin ang kanilang rivalry sa kanilang sudden-death finals na idaraos sa Philippine Superliga Invitational Conference ngayon sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Magsisimula ang aksiyon ng 6 p.m. kung saan ang Cargo Movers ay pakay kumulekta ng titulo habang ang Blaze Spikers ay kukumpletuhin ang biyahe pabalik sa trono ng prestihiyosong women’s club league sa bansa. Magbabanatan din ang Foton at Cignal para sa bronze medal match ng 4 p.m.

Bilang pinakamalupet na teams sa bansa na hawak ang 11 titulo bawat isa, pang-7 beses na itong final match ng Cargo at Blaze kaya naman exciting at dramatiko ang kanilang finals showdown. Nasa to spot ngayon ang Cargo Movers dahil sa pagdating ni Fil-Am sensation Kalei Mau, kaya naman nakabawi ang Blaze mula sa naranasang mga kabiguan sa semifinals ng All-Filipino Conference ng nakaraang buwan. “I would be lying if I say that we don’t want to win the All-Filipino Conference,” ayon kay Petron coach Shaq Delos Santos nang maalala ang mapait na laro sa midseason conference.

Ayon naman kay F2 Logistics coach Ramil de Jesus, hindi tulad ng kanilang nakaraang best-of-three affair, hindi nila papayagan na magkamali pa. “Thursday will be the moment of truth for both teams,” ani de Jesus, na isa ngayong best coaches sa bansa nang pagwagian ang 11 titulo sa University Athletic Association of the Philippines.

Sa kabilang banda pakay din ni Delos Santos, na magwagi upang mas maging kumpiyansa pa ang National Team sa pagsabak sa 30th SEAG. “Each win is a chance for us to gain confidence,” ani Delos Santos, na gagabayan ang National Team members na sina Rhea Dimaculangan, Mika Reyes at Frances Molina sa roster. “We want to leave this conference with a bang and walk into the SEA Games with high morale.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page