P20k dagdag-suweldo kada buwan sa mga sundalo, inihihirit ni Sen. Pacquiao
- Pabs Hernandez III
- Oct 17, 2019
- 2 min read
DOBLADO NA ANG SUWELDO NG MGA SUNDALO, GUSTO PA SILANG BIYAYAAN NI “PACMAN” NG P20K MONTHLY HAZARD PAY — Sa panukala ni Sen. Manny “Pacman” Pacquiao, nais nitong gawing P20K monthly ang dating P540 monthly hazard pay ng mga sundalong nakadestino sa mga lugar na may terorista at rebelde.
Mantakin ninyo, dinoble na ni P-Duterte ang suweldo ng mga sundalo, tapos gusto pa silang biyayaan ni Sen. Pacquiao ng P20K monthly hazard pay, pero sa inihihirit na dagdag-suweldo ng mga guro, nurse at iba pang manggagawa, eh, ‘nganga’ lang si Sen. Pacquiao, buwisit!
◘◘◘
KUNG AYAW MABATIKOS, DAPAT MAG-RESIGN NA SI PIALAGO SA MMDA —Nagsampa ng kasong cyberlibel si MMDA Spokesman Celine Pialago sa dalawang social media page na nag-post ng mga pambabatikos sa kanya na may kaugnayan sa matinding trapik sa Metro Manila.
Aba, kung balat-sibuyas si Pialago at ayaw niyang nababatikos, dapat mag-resign na siya sa MMDA kasi karapatan ng mamamayan na nagpapasuweldo sa mga taga-gobyerno na mambatikos o mamuna, lalo na kung wa’ ‘wenta ang kanilang mga solusyon sa trapik, period!
◘◘◘
PARA MAIWASAN ANG PAGPAPAKAMATAY SA MALL, DAPAT BAWAT PALAPAG NITO, LAGYAN NG LAMBAT—May ilan nang kaso ng pagpapakamatay sa mga mall, partikular sa mga city malls.
Ang dapat gawin ng management ay maglagay ng lambat sa bawat palapag ng mall para maiwasan na ang ganitong insidente kung saan imbes na pasyalan o ‘happy place’ ay nagiging ‘suicide place’ na ito, period!
◘◘◘
PUWESTO NG COLOR GAMES SA ANGELES CITY, TAMBAYAN NG MGA ADIK AT TULAK—Ginagawa raw tambayan ng mga adik at tulak ng shabu ang puwesto ng color games ni “Ricky” sa Angeles City.
Dapat ipasara na nina Mayor Carmelo Lazatin at Col. Narvin Mangune ang color games ng ilegalistang ito para hindi na gawing tambayan ng mga adik at tulak, boom!





Comments