Mag-utol, huli sa pagbebenta ng nakaw na cp
- Mylene Alfonso
- Oct 17, 2019
- 1 min read

Timbog ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang 23-anyos na dalaga at kapatid nitong menor-de-edad, matapos maaktuhang nagbebenta ng nakaw na cellphone, kamakalawa sa Tutuban Mall sa Tondo, Manila.
Iniharap kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang suspek na si Rebecca Cruz Mahayag na sinasabing nagbenta ng nakaw na cellphone.
Agad namang binitbit ng pamunuan ng mall saka itinurnover sa MPD-SMaRT ang magkapatid.
Ani P/Major Rosalino Ibay, Jr., ang menor-de-edad ay nakunan ng CCTV noong nakaraang Oktubre 9, habang dinudukutan ang 15-anyos na estudyante sa Lagusnilad sa Ermita, Manila.
Hindi naman itinanggi ng magkapatid ang kanilang gawain at sinabi na tatlong beses na silang nandurukot ng cellphone sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Presidential Degree bilang 1612 o Anti-Fencing Law na nagbabawal bumili o magbenta ng nakaw na gamit si Cruz.





Comments