Katatapos lang daw bumatak.. Grab driver kulong sa shabu

Timbog ang isang Grab driver at isa pa nitong kasama matapos mahulihan ng mga drug paraphernalia kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Ayon sa mga tauhan ng Sibama Police Community Precint, posibleng nakapag-shabu na ang mga suspek na sina Justine Ferrer, 38, Grab driver, at Maro Malicdem, 45, tricycle driver, kapwa ng Sampaloc, Manila.
Alas-7:20 ng umaga nang maaresto nina PCpl. Aiko Lauagan, PCpl. Aaron Serrano, PCpl. Lloyd Licyayo, PCpl. Jonathan Paleyan at PCPl Mark Alvin Flores ng SIBAMA PCP ang mga suspek sa Antipolo corner Simoun Sts., Sampaloc.
Nagsasagawa umano ng anti-criminality operation sa lugar ang mga pulis nang sitahin ang dalawang suspek at nakumpiskahan ng dalawang disposable lighter, two strip aluminum foils, surgical scissor, mga improvised na glass tooter, aluminum foil tooter at clipping stick.
Nakadetine ngayon ang mga suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Sec.12 (possession of drug paraphernalia sa ilalim ng RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.





Comments