top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Blue Eagles, namayani; DLSU kahit may flu, nakaresbak

  • VA
  • Oct 17, 2019
  • 2 min read

Photo: Espn5

Nakabawi mula sa malamyang simula ang Ateneo de Manila University upang muling mapataob ang Far Eastern University, 65-55, kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament, Ateneo de Manila University sa MOA Arena.

Humabol ang Blue Eagles buhat sa 13 puntos na pagkakaiwan upang makamit ang kanilang ika-11 sunod na tagumpay na nagpalawig sa kanilang winning run hanggang 21 games mula noong first round ng nakaraang season. Malakas ang naging simula ng FEU sa pangunguna ni L-Jay Gonzales at nagposte ng 40-29 kalamangan sa halftime. Doon naman nagsimulang humabol ang Blue Eagles hanggang makadikit at lumamang sila sa Tamaraws.

Nakadikit pa ang FEU, 55-57, sa loob ng huling apat na minuto ng laro bago muling kumalas ang Ateneo matapos maglatag ng 8-0 blast. Nauna rito, nakabawi naman ang De La Salle University sa University of the East, 65-59, upang makabalik sa winners circle. Rumatsada si Justine Baltazar sa huling 7 minuto ng laro upang pamunuan ang Green Archers sa panalo.

Nalalamangan ng 2 puntos, nagposte ang La Salle ng 10-3 run, 8 puntos dito ay galing kay Baltazar upang agawin ang lamang, 57-52, may 3:48 pang nalalabi sa orasan na iningatan na nila hanggang matapos ang laban. Nagtapos si Baltazar na may 23 puntos at 12 rebounds sa kabila Ng dinaramdam nitong sintomas ng trangkaso. “We found out that seven of our players had flu then three are injured. Suwerte kami that we were able to pull through,” ani DLSU coach Gian Nazario. “We’re happy that we were able to pull this one out. We really needed this one,” dagdag nito. Namuno naman sa UE na nalaglag sa markang 3-8 si Rey Suerte na may 17 puntos at tig-4 na rebounds at assists.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page