top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Anino mainam na dehado sa WTA

  • Ding Taboy
  • Oct 17, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong gabi ang 7 karera ng ‘Additional One Win in Group Races’ na paglalabanan sa Condition Race at Group Race sa Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Kasabay nito magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6. Unang bibitiwan ang Race 1, sa paghataw ng Group Rrace 11, na umpisa ng WTA, pinapaboran ang Cleave Ridge, laban sa mga kalaban na Winning Move at Caloocan Zap.

Sa Race 2, nakalalamang ang Lockdown sa mga kalaban na Oasis at Courageous na simula ng Pick 6 sa pagtikada ng Group Race 9.

Magaganap ang Pick 5 sa Race 3 na paglalabanan ng Bossa Nova, Cats Dream, Himig, Summer Cruise, Wild Talk at Tipping Point. Sa Race 4, magsisimula ang Pick 4 at binibigyan ng malaking kalamangan ang Certain To Win laban sa mananakbong Silab, Anino at couple entry na Stay Ready at Driven sa Condition Race merged 10.

Sa Race 5, ipinapatok ang Exponential habang makakalaban ang Parokya ni Paolo sa tahak ng 2-year old Group Race. Nakalalamang ang Bitcoin habang makakalaban ang mga kalahok na Ked Kenshin, Hold Me Tight Baby at Magnitude Eight sa Race 6.

Nakalalamang ang Batang Novaliches laban sa mga katunggaling Artistic Star, Count Me In at Ever Seen the Rain na masisilbing paratingan ng WTA, Pick 6, 5 at Pick 4 sa pag-alagwa ng Race 7.

Tips ni Mang Ding: Race 1-Cleave Ridge (9) Caloocan Zap (8) Race 2- Lockdown (6) Courageous (4) Race 3-Cats Dream (5) Himig (2) Race 4- Certain To Win (1) Anino (4) Race 5- Parokya ni Paolo (2) Exponential (1) Race 6- Kid Kenshin (3) Bitcoin (4) Race 7- Batang Novaliches (1) Artistic Star (4) WTA (1-7) 9-8-7/2/5-2/1-4/2-1/3-4/1-4/ Pick 6 (2-7) 2/5-2/1-4/2-1/3-4/1-4 Pick 5 (3-7) 5-2/1-4/2-1/3-4/1-4/ Pick 4 (4-7) 1-4/2-1/3-4/1-4.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page