90,000 kabataan, hindi pa nabibigyan ng vaccine drops para sa polio
- Isko Moreno
- Oct 17, 2019
- 1 min read

Ngayong linggo, nag-deploy ng maraming personnel sa iba’t ibang parte ng Maynila upang mabigyan ng vaccine drops ang maraming kabataan sa lungsod.
Makikita ang mga empleyado ng Manila Health Department (MHD) sa Andres Bonifacio Monument, Lagusnilad at iba pang parte ng Maynila na nagbibigay ng libreng vaccine drops sa kabataang may edad lima pababa.
Ayon kay Manila Health Chief Dr. Arnold “Poks” Pangan, meron pang humigit-kumulang 90,000 kabataan sa Maynila ang hindi pa nabibigyan ng nasabing vaccine kaya lalo nilang pinaigting ang kampanya para rito.
Matatandaang, ayon pa sa pamunuan ng DOH, ang Pilipinas ay nahaharap sa bantang mawala ang polio-free status dahil sa pagbaba ng OPV coverage nito. Ang Pilipinas ay polio-free country sa loob ng 19 taon.
Kaya ang panawagan sa mga magulang, agad kayong dumalaw sa mga pampublikong ospital o clinic na malapit sa inyong lugar. Tandaan, wala kayong babayaran dito





Comments