5 sasakyan nagkarambola sa Edsa
- BRT
- Oct 17, 2019
- 1 min read

Dalawa ang sugatan nang magkarambola ang limang sasakyan sa kahabaan ng Timog flyover southbound sa EDSA, kahapon.
Agad namang nagamot ang taxi driver at pasahero nitong babae.
Natanggal na rin ang mga sasakyan na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko pasado alas-12:00 ng tanghali.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, bigla umanong huminto ang jeep na may kargang mga isda na nagdulot ng pagkasalpok ng mga sasakyan sa likuran nito.





Comments