top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Waitress timbog sa shabu

  • Janice Baricuatro
  • Oct 16, 2019
  • 1 min read

Nadakma ng Bacoor Police ang isang waitress na nasa drugs watchlist sa isang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Bgy. Dulong Bayan.

Kinilala ang suspek na si Lyka Paller, 21, waitress, residente ng Bgy. Dulong Bayan, Bacoor City, Cavite, nasa street level target-listed pusher ng Bacoor.

Sa ulat na isinumite ng Bacoor Police kay Cavite Provincial Director Sr. Supt. William Segun, alas-5:30 ng hapon nang ikasa nila ang buy-bust laban sa waitress.

Kasama ang ilang miyembro ng PDEA-4A, inilatag ang drug buy-bust kung saan isang police ang umaktong buyer na nakipagtransaksiyon sa dalaga.

Nabatid pa na ilang araw din nilang sinubaybayan ang suspek bago ikinasa ang buy-bust.

Nakuha rito ang walong sachets na naglalaman ng shabu na aabot sa mahigit sa limang gramo na may halagang humigit-kumulang sa P30,000.

Ang dalagang suspek ay nauna nang nai-report na nagtutulak ng droga sa kanilang barangay at kasama sa drug watchlist ng Bacoor Police.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page