top of page
Pokwang.jpg

Sumampa na sa titular round ang Blaze Spikers

MC / VA
Oct 16, 2019
2 min read

Ipinamalas ng Petron Blaze Spikers ang pormang kampeonato upang madale agad ang Foton, 25-17, 25-14, 25-16 at tuluyan nang sumampa sa championship round ng Philippine Superliga Invitational Conference kahapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Mahusay ang naging laro ni Sisi Rondina, siya ang namuno sa high-powered Blaze Spikers tungo sa impresibong panalo sa loob lamang ng 79 na minuto ng aksiyon at pormal nang pumalaot sa best-of-three finals.

Nakagawa ang reigning University Athletic Association of the Philippines Most Valuable Player ng 17 points at 13 digs para sa Blaze Spikers, upang ibalik ang tropa sa finals matapos dumanas ng pagkatalo sa semifinal noong nakaraang All-Filipino Conference.

Naging bahagi rin ng panalo sina Frances Molina at Chloe Cortez na may nagawang 12 at 10 points, upang manatiling walang talo ang Blaze Spikers sa pitong laban, kabilang na ang pag-sweep sa eliminations.

Sa naturang pagwawagi, haharapin ng Petron ang magwawagi sa pagitan ng F2 Logistics at Cignal sa sudden-death finals showdown sa Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang Foton, sa kabilang banda ay makasasagupa ang matatalo sa iba pang semifinal battle sa isang game na bronze medal match sa Huwebes.

“It feels so good to be back in the Finals. We missed this feeling,” ayon kay Petron head coach Shaq Delos Santos, at idinagdag na ang Invitationals crown ang tanging hindi pa na nila nakakamit.

“We will grab this opportunity even we only have one day to prepare.” Dinomina ng Petron ang attacking department sa bisa ng 42 kills na halos dinoble ang 24 attack points ng Foton. Nakagawa sina Eya Laure at Shaya Adorador ng tig-14 puntos para sa Tornadoes na kinapos matapos na pagwagian ang Grand Prix noong 2013 at 2014.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page