Shortlist sa susunod na SC Chief Justice, inilabas na

Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist kabilang ang mga pangalang irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para pagpilian bilang susunod na Chief Justice ng Supreme Court (SC).
Kabilang sa shortlist sina Diosdado Madarang Peralta at Estela Perlas-Bernabe na kapwa nakakuha ng pitong boto mula sa JBC en banc.
Samantala, apat na boto naman ang nakuha ni Andres Bernal Reyes, Jr.
Nangangahulugan ito na hindi naisama si Jose Reyes, Jr. sa mga irerekomenda ng JBC.
Ang pitong miyembro ng JBC en banc ay nagbotohan para makakuha ng tatlong pangalan na irerekomenda sa presidente.
Kaugnay nito, sa loob ng 90 araw, kailangang makapili ang pangulo ng papalit kay Lucas Bersamin bilang Punong Mahistrado ng Mataas na Hukuman.
Nakatakdang magretiro si Bersamin sa Biyernes, Oktubre 18.





Comments