top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

SC, enjoy sa bangayan ng mga loyalista at dilawan sa protesta ni "Bongbong"

Pabs Hernandez III
Oct 16, 2019
2 min read

TAMA ANG PANUKALA NI SEN. “BONG” GO NA IMBES PERA, BIGAS ANG IBIGAY SA MGA BENEPISARYO NG 4Ps—Naghain ng panukala si Sen. Christopher “Bong” Go na imbes pera, 20 kilong bigas kada buwan ang ibigay sa mga benepisaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Very good ang panukalang ‘yan ni Sen. Go kasi sa totoo lang, karamihan sa mga benepisaryo ng 4Ps, imbes na pagkain ay ipinambibisyo lang ang natatanggap nilang pera sa gobyerno, period!

◘◘◘

NAG-E-ENJOY SIGURO ANG SC SA BANGAYAN NG LOYALISTA AT DILAWAN—Noong Oct. 1, 2019, dapat inilabas na ng Supreme Court (SC) na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang desisyon sa election protest ni ex-Sen. “Bongbong” Marcos laban kay Vice-Pres. Leni Robredo, pero na-postpone ito at ang pramis ay noong Oct. 8 na ilalabas ang kanilang desisyon, pero muli itong na-postpone at ang pramis ay Oct. 15 na, pero ang masaklap, kahapon ay wala na namang inilabas na desisyon at sa halip, binigyan lang ng kopya ang kampo nina ex-Sen. “Bongbong” at VP Leni sa resulta ng manual recount ng PET sa mga balota sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental at pinagkokomento sila kung dapat pang ituloy ang manual recount sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan.

Hay naku, tila nag-e-enjoy ang SC sa bangayan ng loyalista at dilawan kaya ayaw pa nilang maglabas ng desisyon kung dapat pang ituloy o hindi ang election protest ni ex-Sen. “Bongbong” laban kay VP Leni, boom!

◘◘◘

BAKA MAGMUKHANG KATAWA-TAWA ANG PELIKULANG ‘’GEN. MALVAR’ KASI “BOKSINGERO” ANG BIDA—Tinutulan ng karamihan sa mga kamag-anak ni Gen. Miguel Malvar na si Sen. Manny “Pacman” Pacquiao ang gumanap na bida sa talambuhay ng bayaning heneral.

Kunsabagay, may punto silang tutulan ito kasi baka maging katawa-tawa sa pelikula ang pagkatao ng respetadong si Gen. Malvar, dahil ang gaganap na bida sa kanyang talambuhay ay “boksingero”, ha-ha-ha!

◘◘◘

KUNG MAY PULIS NA ADIK SA DROGA, MAY MGA PULIS DIN NA ADIK SA MOBILE LEGENDS—Kung may mga pulis na adik sa droga, may mga pulis din na adik sa paglalaro ng mobile legends.

Napatunayan ito nang mag-viral ang video na makikitang dinededma lang daw ng mga pulis sa presinto ang humihingi ng tulong kasi imbes na rumesponde, busy sila sa kalalaro ng mobile legends, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page