top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Saso at Pagdanganan, hindi maawat ang tikas sa LPGA

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Oct 16, 2019
  • 2 min read

Disenteng pambungad na rounds ang isinumite nina Pinay amateur standouts Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa pangalawang yugto ng 2019 Ladies Professional Golf Association (LPGA) Qualifers sa palaruan ng Plantation Golf and Country sa Venice, Florida.

Kumartada si Saso, kasalukuyang nakaupo sa pang-20 baytang sa Women’s World Amateur Rankings, ng 2-under-par 70, upang mapanatiling maganda ang tsansang makausad sa LPGA Q-Series kung saan malalaman kung sino ang puwedeng lumahok sa 2020 Symmetra Tour at sa 2020 LPGA Tour.

Inaasahang iinit pa si Saso sa mga susunod na mga rounds dahil tulad ng mga nakalipas niyang tagumpay, matinding hataw sa homestretch ang madalas na pinapakawalan ng Fil-Japanese.

Ito ay nasaksihan nang pumangatlo siya sa 2019 Augusta National Women’s Amateur Championships, magkampeon sa Girls PGA Junior Championships, sumegunda sa Youth Olympic Games at maging double gold medalist sa huling Asian Games.

Isang one-over-par 73 naman ang nasa rekord ni Pagdanganan at mainam pa rin ang pag-asa nitong makapasok sa top 45 na papasok sa LPGA Q-Series dahil na rin sa kakayanan nitong naipakita sa mga nakaraang pagkakataon.

Si Pagdanganan, kasalukuyang nasa pang-50 sa world amateur rankings ay kampeon din ng 2019 Hawkeye El Tigre Invitationals.

Maliban dito, si Pagdanganan din ang nanguna sa unang yugto ng qualifiers matapos nitong pakawalan ang isang umuusok na atake sa final round at ilampaso ang oposisyon sa palaruan ng Dinah Shore Course sa Rancho Mirage, California.

Matatandaang humataw si Pagdanganan, Asian Games individual bronze medalist at gold medal winner sa team event kasama nina Yuka Saso at Lois Kaye Go, ng 7 birdies (hole nos. 2, 3, 4, 7, 14 at 18) kontra sa isang bogey sa hole no. 6 at isang double bogey sa pang-17 butas tungo sa pagpoposte ng pinakamainit na iskor sa round 4 na 68 strokes.

Ito ang nagtulak sa Pinay teener paakyat ng trono bitbit ang iskor na 13-under-par 275 pagkatapos ng apat na rounds ng bakbakan sa tatlong magkakaibang golf courses.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page