top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Oktubre katorse, patok

  • Ding Taboy
  • Oct 16, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

Pitong karera ang hahataw ngayong gabi sa pagtikada ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Kasabay nito hahataw din ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa karerang magsisimula ng 6:40 p.m. Maghaharap ang mga magagaling na kabayo sa Group Race at Condition Race sa pitong karerang magaganap ngayong gabi.

Unang magaganap ang laban sa Race 1, kung saan mag-uumpisa ang WTA at pinapaboran ang mga kalahok na El Mundo, Probinsiyano, River Mist at Magic Carpet Ride.

Sa Race 2, kung saan magsisimula ang Pick 6 at pinapaboran ang Artikulo Uno na posibleng talunin ng Panalangin at Apo Island. Nakalalamang ang Batang Madrid habang magsisilbing kalaban ang Baywatch sa Race 3 kung saan magsisimula ang Pick 5.

Sa Race 4 na umpisa ng Pick 4, binibigyan ng panalo ang Grey Area, habang tatalo ang Blue Sapphire at Hunyo Disinueve at baka makatsamba ang Seni Seviyorum.

Labanan ang magaganap sa Race 5 sa pagitan ng Oktubre Katorse at Nothing But D’ Truth. Sa Race 6, nakalalamang ang Ava’s Dream habang makakalaban ng mahigpit ang Fort McKinley.

Magsisilbing paratingan sa Race 7 na kukumpleto sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4 ang Magnolia Yana at makakalaban ang Inter State, Exceptional Gee at Skyscraper.

Tips ni Mang Ding: Race 1- Probinsiyano (5) EL Mundo (8) Race 2- Artikulo Uno (5) Apo Island (8) Race 3-Batang Madrid(5) Baywatch (6) Race 4-Grey Area (4) Blue Sapphire (2) Race 5-Oktubre Katorse(7) Nothing But D Truth (5) Race 6- Ava’s Dream (3) Fort McKinley (1) Race 7 Magnolia Yana (1) Inter State (4) WTA (1-7) 5-8/5-8/5-6/4-2/7/3-1/1-7 Pick 6(2-7) 5-8/5-6/4-2/7/3-1/1-7 / Pick 5(3-7) 5-6/4-2/7/3-1/1-7/ Pick 4(4-7) 4-2/7/3-1/1-7

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page