top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Kahit nagkaayos na sila ng mister… Sunshine, galit na galit pa rin sa mga kabit

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 16, 2019
  • 1 min read

Parehong nagsimula bi­lang mga child stars sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon at hanggang ngayon, patuloy pa rin na nag­ni­ning­ning ang kanilang mga panga­lan at nabibigyan na ng mga mature roles kaya ang pag­sasama nila sa afternoon soap na Magka­agaw ay tiyak na may magaga­nap na showdown at pagalingan sa pag-arte.

Si Sunshine, mula’t sapul ay hindi nagpapakabog kahit na beteranang artista pa ang kaeksena. Hindi siya kai­lan­man na-outshine o nata­bunan kahit na sa madadra­mang ek­sena. Napakalakas ng presence ng kanyang perso­nali­dad.

Sa pagba­­balik naman ni Sheryl at pagtanggap ng mature role, kapansin-pansin ang malaking pagba­bago sa kanyang pag-arte. Kinarir niya nang todo ang role sa Mag­kaagaw.

Samantala, si Sunshine, kahit na kabit o mistress ang kanyang role sa Magkaagaw, hinding-hindi pa rin maalis ang matinding galit sa mga “kabit”. Alam naman ng lahat kung ano ang nangyari sa kanyang married life nang may pumasok na third party sa kanilang relasyong mag-asawa.

Napakasakit kay Sunshine at malalim ang sugat na nilikha nu’n sa kanyang puso. Nagkaayos man sila ng kanyang mister, hinding-hindi niya mapapatawad ang “mistress” na umagaw sa kanyang asawa.

Pero sa Magkaagaw, siya si Laura, ang mistress ni Alfred Vargas na kasal kay Sheryl as Veron. Ang Magka­agaw ay mula sa direksiyon ni Gil Tejada.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page