top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DTI, inutil sa taas-presyo sa uling at gaas — Marcos

  • Lourdes Abenales
  • Oct 16, 2019
  • 1 min read

Mariing kinondena ni Senator Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng mga pangunahing bilihin pati na ang presyo ng uling at gaas.

Aniya, lumalabas na walang silbi ang DTI dahil sa hindi nila nababantayan ang pagtaas ng presyo ng uling at gaas na siyang tanging kayang bilhin ng mahihirap sa mga depressed communities.

Ang isang supot ng uling ay nagkakahalaga umano ng P15 mula sa dating P10. Samantalang ang isang litrong gaas ay nagkakahalaga ngayon ng P60 sa dating presyo nito na P55.

“Kaya nga nagtitiyaga sila sa uling at gaas dahil ito na lang ang kaya nilang bilhin. Ang P700 na tangke ng LPG ay napakamahal para sa mahihirap. Meron bang aksiyong ginagawa ang DTI sa problema ng mga kababayan nating mahihirap?” tanong ni Marcos.

Idinagdag pa nito na mapipilitang kahoy o anumang uri ng panggatong ang malamang na gamitin ng mahihirap sa kanilang pagluluto kung pati ang presyo ng uling at gaas ay hindi na kakayaning bilhin.

“Mapipilitan tayong ipaimbestiga sa Senado ang DTI kung hindi pa sila kikilos at hindi aaksiyunan ang walang habas na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na pati ‘yung ginagamit ng mahihirap na uling at gaas. Maawa naman sila, paano pa ipagdiriwang ng mga mahihirap ang darating na kapaskuhan?” ani Marcos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page