top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

7,281 bata nabigyan ng bakuha kontra polio — DOH

Madel Moratillo
Oct 16, 2019
1 min read

Kasabay ng unang araw ng kampanya kontra polio, umabot sa mahigit 7,000 bata sa Metro Manila at Mindanao ang nabigyan ng bakuna ng Department of Health.

Sa tala ng Philippine Red Cross (PRC), hanggang kahapon ng alas-3:00 ng hapon, nasa kabuuang 7,281 bata ang naturukan ng bakuna sa door-to-door vaccination drive ng DOH.

Pinakamaraming nabakunahan sa Pasay City na may 1,523 bata.

Kasunod nito ang Davao City na may nabakunahang 1,458.

Samantala, ayon sa PRC, nasa 500 volunteers mula sa kanilang hanay ang nakiisa sa “sabayang patak kontra polio” campaign para sa mga batang edad lima pababa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page