Voyagers, nakapaglayag na sa Playoffs vs. Shoemasters

Muling nakapaglayag ang Pasay Voyagers sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season playoffs upang harapin ang Marikina Shoemasters sa Imus Sports Complex.
Nagbalik ang tikas ng tropa kasunod ng 92-89 victory laban sa Quezon City Capitals noong Okt. 3, kung saan ang Voyagers ay nagwagi ng 8 sa 9 na laro at haharapin ang Shoemasters sa 4 p.m.
Muling aasahan ang tikas nina board crasher Dhon Reverente, Axel Inigo, Jaypee Belencion at Raymund Ilagan para sa isang pivotal plays ng Voyagers na hawak ang 11-6 record laban sa Shoemasters na may 3-12 slate sa kabila ng nakaraang dalawang panalo.
Kung magwawagi ang Voyagers, pakakabugin nila ang Pasig-Sta. Lucia Realtors na may 11-5 slate para habulin ang top 4 spots. Itatampok din ang mga laro ng Navotas Clutch VS. Capitals ng 6:30 p.m. maging ang Bulacan Kuyas kontra Imus-Khaleb Shawarma Bandera ng 8:30 p.m.
Naputol ng Clutch ang tatlong huling pagkatalo nang talunin sa 72-57 ang Mindoro Tamaraws noong Okt. 3, at magsisilbing underdogs laban sa Capitals, 7-10. Bagamat talo ang Kuyas (9-7) sa huling dalawang laro, nananatili silang paborito laban sa Bandera (4-10) na umaangat ang solid fan base dahil kina dating PBA MVP Jayjay Helterbrand at actor Gerald Anderson sa kanilang roster.





Comments