top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tumanggi sa sex.. Misis pinagsasaksak ni Mister

  • Maeng Santos
  • Oct 15, 2019
  • 1 min read

Kritikal ang isang misis matapos pagsasaksakin ng kanyang mister makaraang tumanggi umano ang biktima na makipagtalik sa suspek sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa opsital ang biktimang si Alma Jaca, 40, ng Bgy. Tanza 2, na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang arestado naman ang kanyang mister na suspek na si Pio, 48.

Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, naganap ang insidente alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa habang patulog na ang biktima nang hilingin umano ng suspek na makipagtalik sa kanya subalit, tumanggi ito.

Makalipas ang ilang sandali, armado na ng dalawang kutsilyo ang mister at pinagsasaksak sa katawan ang biktima na tinangka namang lumaban.

Narinig ng kapatid ng biktima ang kaguluhan at sa tulong ng kanilang kapitbahay na humingi ng tulong kina P/Cpl. Bernard Paradela at Pat. Jonathan Borja ay nadakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page