Science experiment sumabog, 3 estudyante nadale
- Jeff Tumbado
- Oct 15, 2019
- 1 min read

Tatlong estudyante ang nagtamo ng mga paso sa mukha at katawan makaraang sumabog ang kanilang science experiment sa Barlig, Mountain Province.
Ayon sa isa sa mga estudyante, nasa gitna sila ng chlorophyll experiment nang maganap ang insidente. Naglalagay umano ng alcohol sa pinakukuluang tubig ang kanilang guro nang maganap ang pagsabog.
Tinamaan ang tatlong estudyante habang nakaligtas naman ang kanilang guro. Samantala, naagapan naman ang maliit na sunog na sumiklab.





Comments