top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagko-commute ng mga Gov‘t. officials tuwing Lunes, oks — Palasyo

Mylene Alfonso
Oct 15, 2019
1 min read

Pabor si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa panukalang pagko-commute tuwing Lunes ng mga matataas na opisyal ng gobyerno bilang simpatiya sa kalbaryo ng mga commuters.

Gayunman, naniniwala si Panelo na hindi na ito kailangan kung ang layunin lamang ay para maranasan ng mga public official ang pagko-commute.

“Kung ang purpose lang nu’n ay para maranasan ng mga opisyales, eh, gaya ng sinabi ko, hindi kailangan ‘yun. Pero kung ang purpose mo every now and then mag-share ka sa sympathy, walang problema ru’n,” paliwanag ni Panelo.

Una nang sinabi ni Iligan City Rep. Frederick Siao na maghahain siya ng panukala na gawing mandato sa mga public officials, cabinet secretaries at division chiefs sa government offices na mag-commute tuwing Lunes kasunod na rin ng ginawang commute challenge ni Panelo. Muling iginiit ni Panelo na sanay ang mga miyembro ng gabinete na mag-commute. Kaugnay nito, nagpahaging si Panelo na muli siyang sasabak sa pagko-commute pero, hindi na niya ito iaanunsiyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page