Pagbibitiw ni Gen. Albayalde, tama lang dahil PNP ang nasisira
ILABAS NA ANG DESISYON SA MARCOS VS. ROBREDO PARA MAGKAALAMAN NA KUNG NAGKADAYAAN O HINDI SA POSISYON NG PAGKA-VP—Ngayong araw Oktubre 15, 2019, ang pramis ng Supreme Court (SC) na ilalabas ang resulta ng manual counting sa tatlong probinsiya (Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental) na ipinrotesta ni ex-Sen. “Bongbong” Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) laban kay VP Leni Robredo.
Sakaling mailabas na ngayon, magkaalaman na kung nagkadayaan o hindi sa pagka-VP noong 2016 elections, period!
◘◘◘
KUNG MAY ‘PALAKASAN SYSTEM’ SA HUSTISYA, HUWAG NANG IBALIK ANG DEATH PENALTY—May duda si Mrs. Lalaine Yuson na may naganap na ‘palakasan system’ kaya pinalaya ng Manila Prosecutor’s Office ang apat na suspek na pumatay sa kanyang mister na si Batuan, Masbate Vice-Mayor Charlie Yuson III dahil ang mga salarin daw ay mga tauhan sa kalaban nila sa politika na si PCSO Board Member Sandra Cam.
Kung totoong merong ‘palakasan system’ sa pagpapalaya sa mga suspek sa Yuson slay, aba, isa ‘yan sa mga isyung dapat maging batayan para huwag ibalik ang death penalty, boom!
◘◘◘
ATAKE KAY GEN. ALBAYALDE SA PNP, NAGBU-BOOMERANG KAYA TAMA ANG DESISYON NIYANG MAG-RESIGN —Nagbitiw na si Gen. Oscar Albayalde bilang PNP chief dahil hindi siya makapag-concentrate sa trabaho dahil sa sunud-sunod na paggisa sa kanya ng komite ni Sen. Richard Gordon at paggiba sa kanya ng retired generals na sina Baguio City Mayor at ex-CIDG Chief Benjamin Magalong, PDEA Director Aaron Aquino at ex-PNP-Region 3 Commander Rodolfo Lacadin na nagsasangkot sa kanya sa “Ninja Cops.”
Tama ang desisyon ni Gen. Albayalde kasi ang mga atake sa kanya ng komite ni Sen. Gordon at retired generals ay sa PNP nagbo-boomerang, period!
◘◘◘
BUKOD SA “NINJA COPS”, DAPAT IPATOKHANG NA RIN NI PNP-OIC GAMBOA ANG MGA JUETENG COPS—Sa pagbaba ni Gen. Albayalde sa pagka-PNP chief, ang OIC ngayon sa pagiging head ng PNP ay si Lt. Gen. Archie Gamboa.
Sa pagiging PNP-OIC ni Gamboa, hindi lang dapat “Ninja Cops” ang dapat niyang ipatokhang kundi pati ang jueteng cops, boom!





Comments