top of page
Pokwang.jpg

Nangungupahan, may ‘k’ maging member ng homeowners association basta may consent ng may-ari

Dr. Persida V. Rueda-Acosta
Oct 15, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Maaari ba akong maging miyembro ng homeowners’ association ng aming lugar kahit na inuupahan ko lamang ang bahay na aming tinitirahan? — Celeste

Dear Celeste, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 10, Rule 3, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations” kung saan nakasaad na:

“Section 10. Qualifications of a Member. – xxx.

A lessee of a member under a contract with a term of at least one (1) year may qualify to be a member and shall have the rights of a member upon procurement of a written consent/authorization from the owner of the lot/housing unit. xxx.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, maaari kayong maging miyembro ng homeowners’ association sa inyong lugar kung ang termino ng inyong contract of lease para sa bahay na inyong inuupahan ay hindi bababa sa isang taon at kung bibigyan kayo ng may-ari ng bahay na ito ng kanyang written consent/authorization para kayo ay maging miyembro ng nasabing kapisanan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page