top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Minsupala games, tampok sa tour of Mindanao

MC
Oct 15, 2019
1 min read

Itatampok ng Tour of Mindanao ang Mindanao-Sulu-Palawan (MinSuPala) Games 2020 mula sa pagtataguyod ng co-organizers Mindanao Development Authority (MinDA) at Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang second meeting kasama ang stakeholders noong Okt. 12 sa Pinnacle Hotel and Suites sa Davao City.

Maaalalang si Secretary Emmanuel Piñol, na unang pinamunuan ang MinDA, kasabay ng Marlboro Tour tuwing summer ay dati na itong inaabangan hindi lang ng mga siklista kundi maging ng sportswriters.

Nagkaideya siya muli rito dahil ang Malaysia, ang BIMP-Eaga partner ng MinDA, ay nagdaraos din ng regular na multiple stage cycling race na kilalang Tour de Langkawi. Kaya naman nagmungkahi siya kay PSC Chairman William I. Ramirez na muling buhayin ang Tour of Mindanao at palakasin ang MinSuPala Games.

Ikinumpara niya kung paanong ang na-defunct nang Mindanao Friendship Games sa sa Tubod, Lanao del Norte (2001); Cagayan de Oro City (2002) at sa Mati, Davao Oriental (2003) ay nakapaghatid ng malawakang kapayapaan sa isla dahil marami sa Mindanao local government units (LGUs) ang lumalahok dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page