top of page

Mga paraan para maiwasan ang ubo

  • Shane M. Ludovice, M.D
  • Oct 15, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Single parent ako at meron akong dalawang anak. Worried ako dahil palagi silang inuubo. Nalaman kong ang ilan sa mga pinsan nila ay inuubo rin kaya sa palagay ko ay nagkahawahan sila dahil madalas silang magkakalaro. Maaari n’yo ba kaming bigyan ng payo upang maiwasan ang pagkalat ng ubo sa amin? — Alita

Sagot Ang ubo ay isa sa mga karaniwang sakit ng tao, karaniwang tatlo o apat na beses nagkakaubo at sipon ang mga tao kada taon. Karaniwan man ang sakit na ubo, maaari rin itong maging delikado kaya mabuti nang hindi makiuso sa sakit.

Narito ang ilan sa mga epektibong paraan para makaiwas sa ubo:

  • I-disinfect ang inyong kapaligiran. Ang ubo ay maaaring manggaling sa viral infection kaya mainam na panatilihing malinis ang kapaligiran. Mas mainam na i-disinfect ang bawat sulok ng bahay.

  • Umiwas sa mga taong may sakit. Iwasan ang mga taong may sakit para hindi mahawa. Madaling kumalat ang virus sa pagiging expose sa mga taong may virus. Makaiiwas din sa pamamagitan ng paggamit ng clinical mask habang kausap sila.

  • Palaging magdala ng tissue. Upang makaiwas sa madalas na pagbahing at pagkalat ng virus, palaging gumamit ng tissue.

  • Uminom ng maraming tubig o anumang uri ng inumin. Ang pag-inom ng maraming liquid tulad ng tubig ay makatutulong para uminit ang pakiramdam. Ang pag-inom ng mga maiinit na inumin tulad ng tsaa, soup o tubig na may honey ay nag-aalis ng irritation at pamamaga ng lalamunan na nakatutulong sa pagpapaluwag ng plema.

  • Subukan ang cough remedies. Ang mga over-the-counter na gamot ay maaaring makapagdulot ng relief sa taong may ubo.

  • Iwasan ang paghawak sa mukha. Ang virus ay pumapasok sa mata, ilong at bibig. Kaya kung nakahawak sa taong may sakit, siguraduhing nakapaghugas ng mga kamay bago hawakan ang mukha.

  • Kumain nang wasto para maging malakas ang immune system. Ang balanced diet at pag-e-exercise ay malaking tulong sa pagpapalakas ng immune system na magbibigay ng lakas at energy na panlaban sa kahit anong klase ng sakit. Ang prutas at gulay ay ang pinakamainam na source ng Vitamin C na makatutulong para makaiwas sa ubo o kaya ay upang mapabilis ang paggaling ng ubo.

  • Gumamit ng disposable items. Pagamitin ng disposable utensils ang may ubo at itapon ang ginamit na kubyertos.

Gayunman, imposibleng maging 100% cough proof ang tao kaya ang mahalaga ay magkaroon tayo ng hygienic and healthy lifestyle para iwas-ubo ang ating pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page