top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mall na ipinasara dahil sa bentahan ng nakaw na cellphones, nagbayad agad ng P2 milyong utang kaya

Isko Moreno
Oct 15, 2019
1 min read

Para sa mga nagtatanong kung bakit daw pinayagan na muling magbukas ang malaking mall sa Recto, Manila pagkatapos ang agarang pagpapasara nito, ito ay dahil agad din nilang binayaran ang kanilang pagkakautang na nagkakahalagang P2 milyon at pangako na hindi na pahihintulutang magtinda ng second-hand na cellphone ang ilang stalls sa kanilang mall lalo na ‘yung mga galing sa nakaw.

Sana ay magsilbi itong aral sa ilan pang malls o tindahan na pumapayag maging kasangkapan ng mga magnanakaw at snatchers na patuloy na nananamantala sa mga estudyante at pobreng mamamayan. Ginawa natin itong halimbawa upang hindi pamarisan ng iba.

◘◘◘

Sana ay magpatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa “ninja cops” o “agaw-bato” kasunod ng pagbibitiw ni General Oscar Albayalde bilang PNP chief.

Matagal nang suliranin ito na kinahaharap ng kapulisan at dapat lamang malinis na ang kanilang hanay upang hindi madamay ‘yung karamihan na tunay na tapat sa kanilang tungkulin at trabaho.

Tayo ay umaasang hindi na mapupolitika ang pagpili ng susunod na PNP chief. Sana ay gamitin ang seniority at siyempre, ang galing, experience at talino ng susunod na hepe ng kapulisan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page