top of page
Pokwang.jpg

Mahalagang magpokus sa nutrisyon ang atleta-Aro

MC
Oct 15, 2019
2 min read

Puspusang training ang dapat gawin ng isang atleta sa lahat ng oras upang makasunod siya sa Olympic motto na’ faster, higher at stronger.’ Hindi lamang sa sariling tiwala at lakas ang dapat na puhunan ng atleta kundi sa nutrisyon nakabase ang tikas ng isang atleta, ayon kay well-known nutritionist/dietitian Jeaneth Aro.

Isa na rin ang tamang nutrisyon. “Madaling maging champion. If you have the talent and if you train hard, you can be a champion. But for you to remain a champion, you need the support of good nutrition,” ayon kay Aro nang dumalo sa 43rd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila noong Huwebes. “One of the key areas in sports na dapat talaga nating bigyan ng pansin ay ‘yung nutrition. Yun ang magbibigay sa iyo ng gasolina para patuloy kang makapag-training ng maayos,” dagdag ni Aro sa weekly forum na inagapayan ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association.

Si Aro rin ang nagpaganda sa kalusugan nina Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at boxing champion Jerwin Ancajas at aniya hindi siya tutol sa paggamit ng food supplements ng mga atleta pero hindi nito kayang mag-kampeon.

“To me, food supplement is just icing on the cake. Parang palamuti lang sa overall nutrition regimen. May maitutulong ito pero balewale din kung hindi maayos ‘yung nutrition. Some athletes rely on supplements dahil madaling makuha. Pero sila ‘yung mga nakararanas ng injury, ‘yung parang laging pagod. Sila ‘yung hindi ma-sustain ‘yung training. Kaya I always tell my athletes to watch out ‘yung mga food intake nila,” dagdag ni Aro, na isang taekwondo athlete noong high school and college days sa UP.

Hawak din ni Aro ang nutritional needs ng PBA team Talk ‘N Text at National Boxing Team sa ilalim ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) mula nang kunin siya ni Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Patrick Gregorio para maging nutritionist. “Marami ako naiisip na programa para sa ating bansa natin. But I want to attain my ultimate dream na ma-reach ng mga atlete natin yun Olympics, Yun ang big test kung tama yun mga ginagawa ko.I need the results.” Hinahanap din ni Aro sa isang atleta ang performance bago niya pagpasyahan na tulungan. “Ang priority ko talagang tulungan ay yung mga atletang seryoso sa ginagawa nila. Tinitignan ko rin kung may disiplina sa buhay at kung willing talagang makinig kung anuman ang ituturo ko sa kanila.” “Kahit anong programa naman ang gawin ko, walang kwenta yun kung hindi naman susundin ng atleta,” ayon kay Aro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page