top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Droga inilagay sa ulam, ipinuslit sa Bilibid.. Shabu-lalo, buking!

Gina Pleñago
Oct 15, 2019
1 min read

Nahulihan ng limang pakete ng hinihinalang shabu at isang SIM card na nakalagay sa bulalo mula sa isang dalaw sa Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison (NBP), kahapon.

Kinilala ni BuCor Spokesperson Major Alberto Tapiru, ang suspek na si Glenn Dayrit, 43, driver.

Ayon kay Tapiru, dumalaw si Dayrit at dadalhan nito ng bulalo ang isang preso sa Building 14, alas-11:00 ng umaga Nang isailalim sa inspeksiyon ang dalang ulam, dito nakita ang limang sachets na hinihinalang shabu na ipinalaman sa buto-buto at isang SIM card.

Nabatid din na kasama sa nakakulong sa Building 14 ang tinaguriang Bilibid 19.

Depensa naman ng suspek, napakiusapan lamang siya na dalhin ang ulam sa presong si Ron dela Cruz at hindi niya alam na may laman itong droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page