top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

DepEd: Dec. 15, simula na ng Christmas break!

  • Ka Ambo
  • Oct 15, 2019
  • 1 min read

Nagbitiw na si Gen. Oscar Albayalde bilang PNP chief.

Salamat at iniligtas niya ang PNP sa intriga!

◘◘◘

KAILANGANG isakripisyo ni Gen. Albayalde ang kanyang sarili upang mapanatili ang reputasyon ng pulisya na nabuo sa panahon ni P-Digong.

Ang isyu laban sa kanya ay tatlong taon nang nakararaan!

◘◘◘

POKUS naman ngayon kung sino ang itatalagang bagong PNP chief.

Hindi na dapat taga-Davao pa ang piliin ni P-Digong!

◘◘◘

PURO taga-Davao na lang ba ang ipalalamon ni P-Digong sa Pilipinas?

Kapag naubos ang mga taga-Davao, baka pati ang aktor na si Ricky Davao ay italaga na rin niya sa Malacañang!

◘◘◘

DAPAT hindi mapabilang sa criteria “ang pagiging Davao”, bagkus ay ang performance at kakayahan.

Sana, maunawaan ito ng kanyang mga amuyong!

◘◘◘

WINASAK ng bagyong si Hagibis ang Japan.

Daragsa na naman ang mga ‘surplus’ sa Maynila.

Gagawin namang tapunan ng “basura” ang ‘Pinas!

◘◘◘

INAASAHANG hihigit pa sa 35 katao ang bilang ng patay sa malakas na bagyo sa Japan.

Kaunti lang ‘yan kumpara sa Bagyong Yolanda na rumagasa sa komunidad ng mga mahihirap sa pinakamahihirap!

◘◘◘

IDINEKLARA ng DepEd na dapat simulan ang Christmas Break sa Disyembre 15.

Malaki ang tama ninyo!

◘◘◘

SUMUNGKIT ng gold si gymnast Carlo Yulo sa World Championships sa Germany.

Mabuhay ang mga Pinoy!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page