top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

4 na lalaking nanghoholdap sa mga supermarket at convenient stores, nagpapanggap na kostumer

  • Jun R. Guillermo
  • Oct 15, 2019
  • 2 min read

Lumang estilo na ito ng mga kawatan, pero may mga nabibiktima pa rin ang apat na kalalakihan na may kani-kanyang papel sa pagpasok sa target na supermarket, convenient stores at fast food chains kaya ating ini-educate ang mga empleyado na mag-ingat!

Isa-isang pumapasok sa establisimyento ang mga ito na kunwaring hindi magkakakilala pero ‘pag nasa loob na, magkukunwaring mga ‘promdi na kapag nakakuha na ng tiyempo, agad silang pupunta sa kani-kanilang puwesto.

Heto ang modus: Isa sa mga suspek ang pupunta sa security guard at mang-aagaw ng baril sabay tutok din ng baril sa sekyu para hindi makapalag. Habang ang dalawang suspek ay pupunta sa cashier at tututukan din ang nabiglang kahera saka lilimasin ang lahat ng pera, gayundin ang gadget, wallet, alahas at iba pang mahahalagang kagamitan na kanilang makikita. Pwe!

Samantala, ang pang-apat namang hinayupak na suspek ang nagsisilbing lookout ng grupo na nakapuwesto sa pintuan ng establisimyento.

Ganito ang nabulgar na raket ng mga walanghiya na kapag nagtagumpay na sa unang target ay agad ding lilipat sa iba pang target para muling isagawa ang pagnanakaw.

Pero, dahil sa maagap na pagresponde ng kapulisan ng Quezon City Police District (QCPD), agad nasakote ng mga awtoridad ang mga buwitre ng lipunan na ayon sa mga ito, trip-trip lang ang pamemerhuwisyo dahil lulong umano sa ipinagbabawal na gamot ang mga hinayupak na suspek na pinangungunahan ng lider nitong si Arvin Pancho alyas Niño. Pwe ulit!

Kaya naman sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa mga supermarkets, convenient stores at fast food chains at iba pang establisimyento, lalo na kapag may guwardiya naman, aba, maging alerto kayo sa mga binabantayan ninyo para maiwasan ang ganitong modus ng kalalakihang nagkukunwaring kostumer pero mga kawatan pala!

Ikaw kaibigan, ano ang sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page