top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wala raw krisis sa transportasyon.. OA lang kayo! — MMDA

BRT
Oct 14, 2019
1 min read

Isang ‘exaggerated’ ang hirit na nakararanas ng krisis sa transportasyon ang bansa.

Ayon sa hepe ng MMDA Special Traffic and Transport Zone na si Bong Nebrija, hindi pa dumarating sa puntong may transport crisis dahil lamang sa nag-bog down ang LRT-2.

“It’s unfair to say that, lalung-lalo na ‘yung administration na ‘to has been very aggressive in investing in infrastructure at improvement ng ating transportation,” ani Nebrija.

Sinabi pa nito na kalahati na ang natatapos sa konstruksiyon ng MRT-7 na magiging common station sa lahat ng Metro Manila railways, bus at rapid transit system.

Ayon pa kay Nebrija ang LRT-2 ay nagkaroon ng tigil-operasyon kasunod ng LRT-1 at MRT-3 na nakaranas din ng aberya.

“It doesn’t come over time, talagang magsasakripisyo tayo na hihintayin natin itong mga proyekto na itong matapos. At this time na malapit nang matapos ang mga ito, sasabihin nating may transport crisis, I think, it is exaggerated in a sense na gumagana naman po lahat ng trains natin,” ayon pa kay Nebrija.

Sinabi pa ni Nebrija na ang sitwasyon sa EDSA ay naging mabigat dahil lumagpas na ang kapasidad ng mga sasakyan sa 268,000 na dumaraan sa naturang lansangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page