top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Universal health care law, may sablay!

Pabs Hernandez III
Oct 14, 2019
2 min read

CAR BRAND CODING, SUBUKAN AT BAKA ‘YAN ANG SOLUSYON SA TRAFFIC CRISIS — May mga nagsuhes­tiyon kung paano maiibsan ang traffic crisis sa Metro Manila, partikular sa EDSA. Isa sa mga isinuhestiyon ay ang car brand coding, ito ay dahil matagal nang sablay ang number coding.

Sa tingin natin, dapat subukan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang car brand coding dahil baka ‘yan na ang solusyon sa traffic crisis sa Metro Manila, period!

◘◘◘

MAY BAD NEWS DIN PALA SA UNIVERSAL HEALTH CARE—Sa ilalim ng Universal Health Care Law, magiging miyembro na ng insurance corporation ang lahat ng Pinoy, pero nakapaloob din dito na ang mga kumikita ng P10K monthly pataas ay inoobligang magdagdag ng kontribusyon.

Hay naku, akala natin, good news ang lahat ng nakapaloob sa Universal Health Care Law, eh, may bad news din pala, buwisit!

◘◘◘

PAGGIBA KAY GEN. ALBAYALDE, WALANG EPEKTO SA PNP—Habang ginigiba sa Senado si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na isi­nasangkot sa kontrober­siyal na “Ninja Cops” ng mga retired generals na sina Baguio City Mayor at ex-CIDG Chief Benjamin Magalong, PDEA Director Aaron Aquino at ex-PNP-Region 3 Commander Rodolfo Lacadin, hinahangaan naman ng publiko si dating NCRPO Director at P/Gen. Guillermo Eleazar sa paglansag sa mga sindikato ng droga, pagsibak sa mga scalawag na pulis at paghuli sa mga kriminal.

Dahil d’yan, hindi gaanong bumaho ang imahe ng Philippine National Police (PNP) sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Gen. Albayalde dahil may “Eleazar” na nagpapabango sa Pambansang Pulisya. Palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

GOV. YNARES AT COL. ALBA, “NGANGA” SA MGA MANRA­RA­KET SA RIZAL —Hanggang ngayon, tuloy pa rin daw ang raket na drop balls at color games nina “Ricky” sa Antipolo City; “Richard” sa Binangonan; “Ely” at “Josie” sa Rodriguez, pawang sa Rizal.

Ano kaya ang dahilan at “nganga” lang sina Gov. Nini Ynares at PD Col. Renato Alba sa raket ng mga ilegalistang ito sa kanilang nasasakupan? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page