top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Trak bumangga sa puno, 1 patay, 3 sugatan

Pabs Hernandez III
Oct 14, 2019
1 min read

Quezon—Isang pahinante ang namatay at sugatan naman ang tatlo katao nang aksidenteng bumangga sa puno ang sinasakyan nilang trak kamakalawa sa Bgy. Sta. Catalina, Atimonan.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jerry Comoseno, samantalang, ang mga sugatan ay ang driver na si Zoren Buenaventura at ang dalawa pang sakay ng trak na sina Francisca Dyico at Roberto Eglobo, pawang residente ng Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Buenaventura kaya bumangga sa puno ang kinalululanang trak ng mga biktima.

Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Comoseno.

Bagama’t, nasugatan din sa aksidente ay sasampahan pa rin ng kaso ng pulisya si Buenaventura ng reckless imprudence resulting in homicide, double physical injuries at damage to property.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page