Tancontian, bronze sa Sambo World Youth C’ships
- Gerard Arce
- Oct 14, 2019
- 1 min read

Panibago na namang karangalan ang naiuwi ni World Championship medalist Sydney Torres Tancontian ng tangayin nito ang bronze medal sa 2019 World Youth and Juniors Sambo Championships, Sabado ng gabi, sa Tashkent, Uzbekistan.Dinomina ng 19-years-old na tubong Davao City si Tetiana Kostenko ng Ukraine, 9-0 sa women’s +80kgs sa junior’s division.
Ipinamalas ni Tancontian ang kanyang kakayanan sa grounds at standing techniques upang talunin ang Ukrainian sambo artist. Nito lamang nakalipas na Setyembre ay napagwagian ng UST freshman college ang gold medal sa 2019 Asian Sambo Championships sa New Delhi, India nang talunin niya si Arailym Abenova ng Kazakhstan sa finals.
“Maganda pong preparation ito for SEA Games and I think malaki pong experience ang maibibigay nito sa amin,” pahayag ni Tancontian sa panayam ng BULGAR.Napunta ang gintong medalya kay defending champion Albina Cholombitko ng Russia na unang nakalaban ni Tancontian sa elimination round sa iskor na 4-0 nang madaganan nito si Tancontian sa 2:17 minuto ng laro matapos magkamali ng execution ng bato.
Gaya ni Tancontian isa ring judo player ang 18-anyos na si Cholombitko na nagwagi ng bronze medal sa European Cup sa Orenburg nung nakaraang taon. Nauwi ni Abenova ang silver medal at napunta ang isa pang bronze medal kay Mariam Tsertsvadze ng Georgia.





Comments