Nanlaban tulak tepok sa drug-bust
Camarines Sur—Patay ang isang drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa national highway ng Pili.
Kinilala ng pulisya ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Regino Baylon, residente ng nasabing bayan.
Nabatid na aarestuhin sana ng pulisya si Baylon sa drug-bust operation, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.
Isang baril at dalawang sachets ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay ni Baylon.





Comments