top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Misis ni Dingdong, 'di raw naiinis sa traffic… Madlang pipol kay Marian: Rich ka kasi, mag-commu

  • Nitz Miralles
  • Oct 14, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @marianrivera

Nabahiran ng lungkot ang saya ni Marian Rivera nang bumalik na siya sa Sunday PinaSaya dahil na-bash siya sa isyung hindi niya ginustong makasakit ng damdamin ng commuters na araw-araw ay natatrapik.

Sa presscon-launching niya bilang endorser ng Waltermart na ibinalitang may home delivery ito sa mga shoppers, natanong kung ‘di ba maaapektuhan ang delivery sa trapik? Sumegue ang tanong kung ‘di ba apektado sa trapik si Marian?

Sagot ni Marian, nand’yan na ang trapik at sa halip na maaburido at magreklamo, natuto na siya at may mga ginagawa para hindi masayang ang kanyang oras habang nasa trapik, gaya ng pagbabasa o kaya ay tinatawagan ang mga dapat niyang tawagan at kausapin. Nabanggit din niya na para hindi matrapik, umaalis siya nang maaga. Kaya kahit matrapik, hindi pa rin siya nale-late.

Sariling experience ni Marian ang binanggit na ginagawa niya on her own at hindi naman sinabi na gayahin ng iba. Na-bash na ang aktres dahil dito at kahit siguro anong paliwanag ang gawin niya, masama pa rin siya.

Ang akusasyon nga ng iba, rich kasi siya, may sariling sasakyan, hindi nagko-commute kaya hindi nararanasan ang hirap na pinagdaraanan ng mga commuters makarating lang sa kanilang paroroonan.

Sunud-sunod ang pamba-bash sa mga celebrities. After Regine Velasquez, si Marian naman.

Ang comment ni Sharon Cuneta sa presscon ng Iconic concert nila ni Regine, ang tagal na nila sa showbiz, naba-bash pa rin sila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page