Lady Falcons, kampeon sa PVL Collegiate Cup

Inihatid ng Adamson University Lady Falcons ang kampeonato sa San Marcelino matapos walisin nito ang University of Santo Tomas, 25-19, 25-6, 25-17, Sabado ng umaga para angkinin ang titulo sa PVL Collegiate Conference crown sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Muling pinamunuan ni League-Most Valuable Player Trisha Genesis ang atake ng Lady Falcons sa 14 hits nito kabilang ang 10 attack points habang sina rookies Lucille Almonte, Lorene Toring at setter Louie Romero ay tumulong upang dumalawa sa Lady Tigresses sa championship match up.
Hindi inaasahan na magiging maayos ang takbo ng Lady Falcons sa off-season tournament dahil kapapasok pa lamang ng coach nitong si Lerma Giron nitong Agosto, ngunit, mabilis nabuo sa loob lang ng 2 buwan ang samahan ng koponan upang mag-marka sa mga koponan sa darating na 82nd season ng UAAP volleyball tournament.
Pinahirapan ng husto sa depensa ng Lady Falcons ang Lady Tigresses mula sa 12 kill blocks, 6 rito ay nanggaling kay Toring at kabuuang 15 markers nito. Nagpakitang-gilas rin sa ina rookie Rizza Cruz na may 10 points habang sila Almonte ay may 9 points at 10 excellent receptions.
Ginabayan ni Romero ang Lady Falcons sa opensa sa pagbigay nito ng 24 excellent sets kabilang ang 7 points at 4 aces upang kunin ang Finals MVP title.
Sumandal ang Lady Falcons sa floor defense nito at pagbantay sa net upang mahirapan na ang Lady Tigresses na makabangon pa para matapos sa 3 sets lamang.





Comments