KDJM, hahataw sa MMTCI

Isa sa inaabangan ng mga Bayang Karerista ang pakarera ng Klub Don Juan de Manila (KDJM) na asahan na may makikitang aksiyon ng mga magagaling na kabayo.
Sa Nob. 24 hahataw ang apat na karera na gaganapin sa Metro Manila Turf club, Inc. (MMTCI) Malvar, Batangas.
Unang gaganapin ang KDJM Derby na bukas sa lahat ng 3-year old local at imported na kabayo na tatawid ng 2,000 meters. Sumusunod ang Golden Girl Stakes Race na bukas sa lahat ng 4 year old and up fillies and mares at naghihintay ang papremyong P500,000 na tatawid sa distansiyang 1,800 meters.
Magaganap ang KDJM Juvenile Colts stakes race at KDJM Juvenile Colts na bukas sa lahat ng 2-year old na lalaki. Nariyan din ang KDJM Juvenile Fillies na open sa 2 year old na babaeng kabayo na kapwa may premyong P500,000 sa apat na unang makatatawid sa finish line. Bago ang nasabing tagpo, magaganap sa Nob. 3 ang 6th Pasay-‘The Travel City’ Racing Festival sa MMTCI sa nasabing karerahan.
Tampok ang 6th Pasay-‘The Travel City’ Cup, na paglalabanan ng local at imported na kabayo na bukas sa 4 year old and above na tatawid sa distansiyang 1,600 meters na may papremyo na P.7-M. Susunod ang 6th Tony Calixto Cup ng Pasay na tatawid sa 1,600 meters na distansiya at naghihintay ang premyong P700,000 sa unang apat na makakatawid sa finish line.
Susunod ang 5th Eduardo ‘Duay’ Calixto Cup na bukas sa lahat ng 3-year old na imported na kabayo. May nakalaang papremyo na P300,000 na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line.





Comments