top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit may GF si boy, may BF si girl… Mikoy at Mikee, sabay lagi sa taping ng serye ni Alden

  • Vinia Vivar
  • Oct 14, 2019
  • 1 min read

Magkapitbahay lang pala sina Mikee Quintos at Mikoy Morales kaya nagsasabay na raw sila papunta sa taping ng The Gift pati na rin sa pag-uwi. Eight minutes away lang daw kasi ang pagitan nila. Taga-Sam­paloc si Mikee at sa Tomas Pinpin naman si Mikoy na ayon sa aktor-singer ay nu’n lang niya nalamang mag­kalapit sila.

“Nu’ng first day ng taping, nagyaya siya ng breakfast sa bahay niya bago pumunta ng set,” kuwento ni Mikoy. “Tapos nu’ng winaze ko, ‘Tama ba ‘to, 8 minutes away?’ Tapos, parang mga limang liko, nandu’n na ako.”

Kaya buhat daw nu’n, every taping ay sabay na sila.

Matagal nang magkaibigan sina Mikee at Mikoy na talagang friends lang dahil pareho naman silang in a relationship.

As we all know, ang dyowa ni Mikoy ay ang fellow Kapuso talent na si Thea Tolentino habang si Mikee naman ay non-showbiz ang boyfriend.

Pero ayon kay Mikee, dito raw sa The Gift, mas nakilala pa niya si Mikoy at mas naging close pa sila na tipong nagsasabihan at nagkukuwentuhan na ng mga malalalim na bagay.

Ginagampanan ni Mikee sa The Gift ang papel na Amor habang si Mikoy naman ay si Bistek. Kaba­bata nila si Sep (Alden Richards) at pare-parehong lumaki sa Divisoria.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page