top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit gaano pa ka-lovely, wala namang utang na loob… Sexy actress, sumikat lang at dumami ang shows,

Netz Miralles
Oct 14, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

Hindi na nag-renew ng kontrata sa kanyang manager ang sexy actress at hindi naman sinabi ang dahilan. Ayaw nang magsalita ng talent manager at hayaan na raw ang former talent na i-manage ang sarili dahil ang balita namin, siya na ang tatanggap at makikipag-usap sa mga kukuha sa kanya sa tulong siguro ng dyowa niya.

Isang kaibigan ng talent manager ang nakausap namin at gusto raw ng sexy actress, ilatag ang mga plano sa kanya ng manager kahit hindi pa siya nagri-renew ng kontrata. Gusto naman ng talent manager na pumirma muna siya ng management contract.

Nakakalungkot lang sa parte ng talent manager na noong walang pumapansin sa sexy actress, tinulungan niya ito, isi­nama sa show na hawak niya at ini­lapit sa network kung saan bukod sa regular show, sunud-sunod ang na­ging teleserye ng sexy actress.

Mabait ang talent manager dahil kahit may power siya kung sino ang ilalagay at aalisin sa show, hindi niya tatanggalin ang sexy actress na hawak niya. Hahayaan na lang siguro niyang magkusang umalis ang sexy actress.

Civil ang relasyon nila kapag nagkikita sa show, binabati ni talent manager si sexy actress kapag nauna siyang batiin. Kapag dined­ma siya, dededmahin din niya ang former talent na malaki ang naging bahagi niya para makilala ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page