Kagawad, kulong sa droga

Timbog ang isang barangay kagawad nang maaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation kamakalawa sa Sampaloc, Manila.
Kinilala ang suspek na si Marius Alquiros, kagawad ng Bgy. 438, Zone 44.
Batay sa ulat ng Manila Police District-Station 4, naganap ang buy-bust operation alas-5:00 ng madaling-araw sa Marzan St., Sampaloc.
Nang magkaabutan ng shabu at marked money, agad dinakma ng mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni Pat. Ace Jingson Cortez ang suspek.
Narekober mula rito ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na may halagang P600 at ang P200 marked money.





Comments