top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Ika-10 panalo ng Ateneo first seat na sa Final 4

  • VA
  • Oct 14, 2019
  • 2 min read

Pormal na nakumpleto ng defending champion Ateneo de Manila ang 2-game sweep nila sa elimination round kontra sa archrival nilang De La Salle University matapos nitong igupo kahapon ang huli,77-69, para sa ika-sampung sunod nilang panalo sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum.

Nagtala si Adrian Wong ng kanyang season-high 18 puntos kabilang na ang una nilang walong puntos sa first period habang nagdagdag ng 13 puntos at 7 rebounds si Thirdy Ravena upang pamunuan ang nasabing panalo ng Blue Eagles kontra Green Archers. “That was a good game of basketball, but if Adrian doesn’t come out hot, we would have been in trouble,” ani Ateneo coach Tab Baldwin.

Dahil sa panalo, naisiguro na ng Blue Eagles ang unang upuan sa Final Four round. Nagdagdag naman si Angelo Kouame ng double double 10 puntos at 14 rebounds para sa naturang panalo na nagpalawig ng kanilang kabuuang winning run hanggang 20 laban.

Mula sa dikdikang laban sa unang tatlong quarters na nagtapos sa iskor na 55-50, lamang ang Ateneo, umarangkada ang huli sa fourth canto at dalawang beses na nilamangan ang Green Archers ng 13-puntos, pinakahuli sa iskor na 68-55, kasunod ng 7-0 blast nina Ravena at Gian Mamuyac buhat sa huling pagkakadikit ng iskor sa 55-61, may pitong minuto pang nalalabi sa oras.

Pinamunuan naman ang nabigong Archers na nalaglag sa kartadang 4-5, si Encho Serrano na may 15 puntos.

Sa ikalawang laro, binawian ng Far Eastern University ang University of Santo Tomas, 72-58 upang tumabla sa kanilang biktima sa ikatlong puwesto.

Uminit ang mga kamay nina Royce Alforque at L-Jay Gonzales at pinasiklab ang opensa ng Tamaraws upang tumabla sa kanilang biktima sa third spot taglay ang patas na markang 5-5.

Nagposte si Gonzales ng 17 puntos kasunod si Alforque na may 16 puntos upang pamunuan ang nasabing panalo ng Tamaraws. Pinangunahan naman ni Brent Paraiso ang losing cause ng Tigers sa naitalang 12 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page