top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Taguig Mayor Lino Cayetano, astig, dedma lang sa clearing operations na utos ni P-Duterte

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 13, 2019
  • 2 min read

TAGUIG CITY, SABLAY SA CLEARING OPERATION ORDER NI P-DUTERTE — Sa mga lungsod sa Metro Manila, tanging ang Taguig City lang ang binigyan ng low grade ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) dahil hindi nito natugunan ang direk­tibang clearing operations ni P-Duterte.

Kumbaga, parang sinabi na rin ng DILG na dinedma lang daw ni Mayor Lino Cayetano, utol ni Speaker Alan Peter Cayetano ang road clearing operation order ni P-Duterte kaya napakaraming sagabal pa rin sa mga kalsada at bangketa sa Taguig City, buwisit!

◘◘◘

MAY TRAFFIC CRISIS NA, MAY UNEMPLOYMENT CRISIS PA — Ayon sa inilabas na datos ng IBON Foundation, mahigit 1.7 milyong magsasaka ang posibleng ma­apektuhan ang hanapbuhay o mawalan ng ka­buhayan.

Marahil, may kinalaman dito ang isinabatas na Rice Tariffication Law na pumatay sa ha­napbuhay ng mga magsasaka kung saan bini­bigyan ng pahintulot ng gobyerno ang mga rice trader na umangkat ng imported rice gaano man ito karami.

Kung ganu’n, hindi lang pala traffic crisis meron ngayon ang ‘Pinas kundi pati unem­ployment crisis, hu-hu-hu!

◘◘◘

KAHIT MAGTUTUWAD ANG MGA RETIRED GENERAL SA ATAKE KAY GEN. ALBAYALDE, HINDI PA RIN ITO NA­SIBAK SA PUWESTO — Sinabi ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na sa kabila ng mga alegasyon tungkol sa pagkakasangkot niya sa “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng ilegal na droga, tiniyak daw sa kanya ni DILG Sec. Eduardo Año na mananatili siya sa puwesto hanggang sa kanyang retirement age na 56 ngayong Nobyembre 8, 2019.

Kung ganu’n, kahit pala magtutuwad sa kagigiba kay Gen. Albayalde ang mga retired general na sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PDEA Director Aaron Aquino at ex-PNP-Region 3 Commander Rodolfo Lacadin ay walang plano si P-Duterte na sibakin sa pu­westo ang PNP chief, boom!

◘◘◘

KUNG MAY KINALAMAN SA PO­LITIKA ANG PAGPATAY KAY VM YU­SON, BAKA SUMABIT SI SANDRA CAM — Sabi ni Manila Police District-Homicide Section Chief at Capt. Henry Navarro, politika raw ang isa sa mga tinitingnan nilang anggulo sa pagpatay kay Batuan at Masbate Vice-Mayor Charlie Yuson III.

Naku, tila sasabit sa kasong ito si PCSO Board Member Sandra Cam dahil ang pamilya niya ang mahigpit na kalaban sa politika ng Pamilya Yuson sa Batuan, Masbate, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page