Spence, ligtas na sa car accident

Nasa maayos ng kondisyon si unified welterweight champion Errol Spence Jr. matapos magpagulong-gulong ang sasakyan nito sa isang aksidenteng naganap Huwebes ng madaling araw sa Dallas, Texas.
Ayon sa mga pulis, minamaneho umano ng International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) 147-lb champion ang kanyang Ferrari nang hindi nakasuot ang kanyang seat belt nang aksidenteng pumaling ang gulong nito paggitna at umikot ng maka-ilang beses dahil sa bilis ng takbo nito.
Ang two-door vehicle na dala ng 29-anyos na undefeated na si Spence (26-0, 21KOs) ay binabaybay ang northbound lanes ng 500 block ng South Riverfront Boulevard sa mabilis na takbo ng mag-crash ito malapit sa downtown ng Riverfront Boulevard malapit sa Interstate 30 ng 3 a.m. Inaalam pa ng mga pulis ang eksaktong dahilan ng aksidente, kung saan tumilapon ito papalabas ng kanyang sasakyan. “He is currently resting with his family by his side. They want to thank everyone for their prayers and well wishes and are extremely grateful to the Dallas first responders who rushed to the scene to attend to Errol after the accident and the doctors who are taking care of him at the hospital,” ayon pa rin sa statement.





Comments