top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Severino, Malakas, Men’s Team, magsusunog-kilay pa

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Oct 13, 2019
  • 2 min read

Kayod pa! Ito ang tila naging mensahe sa mga kasapi ng National Men’s Team na sasabak sa Southeast Asian Games matapos silang mapagsaraduhan ng pinto papuntang podium ng mga manlalaro na hindi bahagi ng pambansang koponan sa pagtatapos ng 2019 National Chess Championships - Open Division Semifinals Tournament sa Quezon City.

Pinangunahan ni FIDE Master Sander Severino, may rating na 2363 ang atake ng mga Philippine team “outsiders” sa pamamagitan ng pangongolekta ng kabuuang 6.5 puntos at mas mataas na puntos sa tie break para masikwat ang unang puwesto.

Pumangalawa kay Severino si International Master Haridas Pascua (rating: 2425) na may bitbit ding 6.5 puntos pero may mas mababang tie break out-put habang ang untitled woodpusher na si Jerad Docena (rating: 2416) ang nakakuha ng huling upuan sa podium taglay din ang 6.5 puntos na naipon mula sa 9 rounds na bakbakan.

Bagamat may rekord ding 6.5 puntos kagaya ng mga nasa top 3, lumagpak sa pang-apat na baytang si national team member IM Jan Emmanuel Garcia nang pairalin ang mga tuntunin sa tiebreak.

Si Garcia ang sasandalan ng bansa sa rapid chess event sa SEAG.

Dahil sa naisukong tig-aanim na puntos, nagkasya na lang sa panglima, pang-anim at pampitong posisyon sina IM Paulo Bersamina, IM Ricardo De Guzman at IM Daniel Quizon atin sa pagkakasunud-sunod.

Sina Bersamina at Quizon ay sasabak din sa pagtitipon ng mga bansa mula sa Southeast Asia.

Samantala, sa duwelong tinawag na “The Fast and The Furious” at nilalahukan ng dalawang pangunahing disipulo ng paspasang ahedres sa bansa, nagwagi si Bersamina kontra kay NM David Elorta sa iskor na 8.5-7.5.

Ang duelo ay bahagi ng preparasyon nila para sa nalalapit na regional sporting spectacle.

Si Bersamina ay sasabak sa SEAG rapid chess habang si Elorta naman ay makikipagtagisan ng husay sa larangan ng blitz.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page