PMA, may hazing na, may produkto pang ninja cops... Tsk, tsk, tsk!
Pinasok ng Turkey Armed Forces ang Syria.
Panibagong gulo ini!
◘◘◘
INAAREGLO na ng U.S. ang China.
Dapat lang!
◘◘◘
IIGTING lalo ang Oplan Tokhang.
Paano ngayon ‘yan?
◘◘◘
BAKASYON ngayon ang Kongreso.
Wala munang black propaganda!
◘◘◘
NAGING ‘pasahero’ kamakalawa si Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
O, ano ang isyu?
◘◘◘
INIREREKOMENDA ang “Work from Home Law”.
Matutuwa ang mga “ander-de-saya”!
◘◘◘
TINAMAAN ng super typhoon Hagibis ang Japan.
Sino kaya ang magiging Rehab Czar?
◘◘◘
KUNG susuriin ang awtopsiya sa pinakahuling kadete na napatay sa PMA, ito ay isang klase ng murder.
May motibo ang pagpatay!
◘◘◘
HINDI na matinong institusyon ang PMA.
Sa kanila rin nanggagaling ang mga “Ninja Cops” at korup na mga opisyal ng bayan!





Comments